Kasaysayan ng dasal na: “ABA GINOONG MARIA”

Tagong Karunungan: KASAYSAYAN NG DASAL NA “ABA GINOONG MARIA”
Isinulat ni Dodong Baguiz
Chapter 2: Series 8

Habang si Jose at Maria ay nasa mahimbing na mahimbing sa pagkakatulog. Patuloy silang kinakausap ng Panginoon sa pamamagitan ng panginip. Sila’y pinagsabihan kung ano ang kahalagahan sa unang batang isisilang ni Maria na walang iba kundi si Jesucristo. At sila’y binasbasan ng Diyos upang maging ganap na mag-asawa, ganito ang mga salitang ginamit ng Panginoon: “TE EJETUR CLIMINTISIME ADORATOR PATER PER JESUM CHRISTUM FILIUM TUOM DOMINUS NOSTRUM SUPLICES ROHAMUS ET PITEMUS UTE ACEPTA VINI DEUS MEUS EMPITATER EGOTE BAPTIZEL ELIAP MACMAMITAM ADONAI PODERUM DEUS TUMITOM HOCMITAC RATUSAC AMPILAM GUAM EXEMENARAO MUNDUM SALVUM.”

Habang nagaganap ang ganoong pangyayari; ang mga taong nakapaligid sa kanila ay namangha dahil nakita nilang biglang nagliwanag ang tiyan ni Maria. Isang nakakasilaw na liwanag na parang araw ang kanilang nasaksihan at kasabay nito’y kanilang naririnig ang maraming boses na nagssisiawitan ng sabay sabay na para bang nagmumula sa himpapawid. Ang liwanag ay kumalat sa buong nasasakupan ng Balbanera na siyang lalong nagpamangha sa lahat ng nasasakupan ng samahang ESSENNE.

Samantala, habang natutulog sa Jose at si Maria; patuloy pa ring kinakausap ng Panginoon. Sila’y binigyan ng mga salitang pasiuna at gabay sa pagdadalantao ni Maria. Bago sila nagising sa umaga, sila’y pinagsabihan ng Diyos na simula sa mga oras na yaon si Maria ay magdadalantao na. At nang sila’y nagising, ibinalita nila sa lahat ng nasasakupan ng kanilang samahan na si Maria ay nagdadalantao na at nakatakdang magsilang ng isang batang lalaki na itinakda bilang Mesiyas sa buong mundo. Ang lahat ng kasapi sa nasabing samahan ay nagalak at masayang masaya sa kanilang natanggap ng balita.

Sa unang buwan pa lamang ng pagdadalantao ay nahihirapan na si Maria dahil siya’y tinutukso lagi nga mga diablo o demonyo. Binabantaan siya ng diablo na papatayin nila ang bata pati na rin ang ina ng bata.  At sa hindi inaasahang pangyayari, sa ikatatlong buwan ng pagdadalantao ni Maria; nilusob ng mga sundalo ang kanilang mga tirahan at pinagpapatay ang halos lahat ng tauhan ng ESSENNE at ang iba sa kanila ay tumakas sa hindi matukoy na lugar sa Jerusalem kasama na rito si Jose at Maria.

Sa taong 130 A.D., sa isang lugar sa Israel ay may natagpuang daan daang kalansay ng tao na inilibing sa iisang hukay (mass grave) at ito’y pinaniniwalaang mga kalansay ng mga kasapi o tauhan ng samahang ESSENNE noong panahon pa nila Jose at Maria. Isa rin ito sa kadahilanan kung bakit bihira lamang sa gitnang silangang ang naging kristiyano at halos lahat ang naging muslim. Sa kadahilanan na ang mga  kristiyano noong kapanahunan ay inuusig at pinapatay. Sa Biblia hindi ito binabanggit upang hindi mailigaw ang mga mananampalatayang kristiyano; subalit ito’y nakapagtataka kung ating oobserbahan dahil ang mismong lugar na sinilangan at kinalakihan ni Jesucrsito ay siyang hindi naging kristiyanong bansa.  

Habang patuloy na nagtatago sina Jose at Maria dahil sa takot sa mga sundalong pumatay sa mga kasapi ng samahang ESSENNE. Si Arkangel Gabriel ay nagpakita kay Maria at bumati sa pamamagitan ng mga ganitong salita: “AVE MARIA GRACIAS PLENA DOMINUS TECUM” na ang ibig sabihin ay “Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.” Itong pagbati ni Arkanghel Gabriel na siya rin pagbati ni Isabel kay Maria ay naging bantog na dasal na pinamagatang “Aba Ginoong Maria” o “Hail Mary”. Subalit ang huling bahagi ng dasal na ito (“Aba Ginoong Maria” o “Hail Mary”) ay dinugtungan na lamang ng mga kinatawan ng simbahang kristiyano.

Noong gabi ding yaon, si Arkangel Gabriel nagbigay ng mensahe na ang kaniyang pinsan na si Isabel ay nagdadalantao rin at mauunang manganak sa kanya. Sa kabila ng katandaan at pagkabaog ni Isabel; siya ay magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin Juan (Juan Bautista).

Nagpatuloy sa paglalakbay sina Jose at Maria upang pagtaguan ang mga sundalong tumutugis sa kanya. Sa mga kabundukan at mga burol ang kanilang naging landas patungo sa tahanan ng pinsan ni Maria na si Isabel. Nang sumapit na sa tahanan ni Isabel ang mag-asawang Jose at Maria; lubos ang galak at tuwa ang naramdaman ni Isabel sapagkat batid niya ang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ni Maria ang siyang itinakdang maging Mesiyas. Binati ni Isabel si Maria sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga Banal na Salita (Divine Latin Words), mga salitang natutunan niya sa samahang ESSENNE na pinamunuan ni Jose. Ganito ang mga salitang ginamit ni Isabel sa pagbati kay Maria: “BENEDICTATU IN MULIERIBUS ET BENEDICTUS FRUCTUS VEN TRIS TUI JESUS” na ang ibig sabihin ay “BUKOD KANG PINAGPALA SA LAHAT NG MGA KABABAIHAN AT PINAGPALA DIN NAMAN ANG SANGGOL NA NASA IYONG SINAPUPUNAN NA SI JESUS. Dugtong pa niya: “SINO AKO UPANG DALAWIN NG INA NG AKING PANGINOON?”  Si Isabel ay anim na buwan nang nagdadalantao at ang mag-asawang Jose at Maria ay nanatili sa bahay ni Isabel sa loob ng tatlong buwan hanggang sa makapanganak si Isabel na pinangalanang Juan.  Sila’y lumisan at nagtungo sa Nazareth upang doon na manirahan.

Nang panahong yaon, iniutos ng Emperador Augusto Cezar na magpatala ang lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang pagpapatalang ito’y ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Siria. Kaya’t umuwi ang bawat isa sa sariling bayan upang magpatala. Mula sa Nazareth, Galilea, si Jose ay pumunta sa Bethlehem, Judea ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya’y mula sa angkan at lahi ni David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria. Samantalang naroon sila, dumating na ang oras ng panganganak ni Maria.

Panahon ng taglamig; gabi na nang makarating si Jose at Maria sa Bethlehem matapos ang tatlong araw na paglalakbay. Walang Makita na bakanteng matutuluyan sina Jose at Maria dahil ang lahat ay puno na ng ibang tao. Sila’y patuloy na naghahanap sa paligid ng nasabing lugar hanggang sa matagpuan nila ang isang kuweba na pahingahan ng mga hayop. Doon nagpalipas ng gabi ang mag-asawa.

Hatinggabi ng biglang nagising si Maria dahil sa pananakit ng kaniyang sinapupunan. Dumating ang oras ng panganganak ni Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at ito’y lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa dayami na sabsaban ng baka.

Sa gitna ng tahimik at napakalamig na gabi, hindi alam ng karamihan na naganap ang isang nakamamangha at napakahalagang pangayayari, ito’y ang pagsilang ng Mesiyas. Sa lupain ding yaon ay may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw na kaningningan ng Panginoon. Natakot sila nang gayon na lamang, ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako’y may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas ang Cristong Panginoon. Ito ang palatandaan, matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa sabsaban.” At nagmamadali silang  lumakad, at nakita nila sina Jose at Maria, at sanggol na nakahiga sa sabsaban. Isinalaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at ito’y kanyang pinagbulay-bulayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s