Kasaysayan ng Paglikha ng Sangkatauhan

Tagong Karunungan: KASAYSAYAN NG PAGLIKHA SA SANGKATAUHAN
Isinulat ni Dodong Baguiz
Chapter 2: Series 5

ANG PAGLALANG NG DIYOS

Nang matapos likhain ang 24 Ancianos (24 espirito) na siyang naging katulong sa lahat niyang mga gawain, inihanda Niya ang apat na elemento upang ang mga ito ay maging sangkap sa gagawing daigdig. Ito ay ang Lupa, Tubig, Hangin at Apoy. Ang mga elementong ito ay ang pinagmulan ng lahat ng bagay sa labas at loob ng mundo . Dito rin nanggaling ang sangkap at kabuohan ng katawan ng tao, ganoon din naman sa lahat ng may buhay sa lupa, gaya ng mga hayop, tanim at ng halaman.

Ang Infinito Diyos at ang mga espiritong kanyang kaantabay ay abalang-abala sa paghahanda sa bawat bagay na kanilang lilikhain, bawat sandali ng pangangailangan sila ay nagtitipon-tipon at nag-uusap upang mapagkaisahan ang mga bagay na dapat magaganap. Kahalintulad ng gagawin nilang kahoy may nagsabi na ang malaking kahoy ay hindi dapat malaki ang bunga dahil pag mahulugan ang mga tao o ang hayop ay hindi mamamatay at ganoon nga ang nangyayari, ang maliit na kahoy ay siyang malalaking bunga.

Ang bawat kaantabay ng Diyos ay gumagawa sang-ayon sa kani-kanilang tungkulin kaya lahat ng bagay na kanilang naiisipang gawin ai kanilang ihahanda ang mga sangkap nito upang sa oras na kanilang umpisahan ang paglalang ay preparado na.

Unang araw ng Paglalang

Ang apat na elemento ay wala pang hugis, wala pang porma at hitsura ang apat na ito ay pinagbuklod-buklod ng Infinito Diyos sabay ang salitang “CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM” kaya nagkaroon ito ng hugis. Sa aklat ng Genesis 1:1-2 ay ganito ang nakasulat, NANG SIMULANG LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA AT ANG LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO. DILIM ANG BUMABALOT SA KALALIMAN AT UMIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG”. Maliwanag na mula nang likhain ang mundo ito’y mayroon ng lupa, hangin at tubig bagamat wala pa itong anyo.

Ang Infinito Diyos ay nagsalita muli ng ganito, “ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TREASET BUITARAP”, at nabuo ang apat na elemento at nagiging isang mundo, at muling nagsalita ang Diyos ng ganito, “MANAOT LUMBRATE ACTIVE DEUS MEAVITE DEUS SANCTA MEUS”, at nagbukod ang Lupa at Tubig, at may sinabi pa, “MALQUE ATIM MIRBEATIM MACMITIM”, ang tubig ay nagkabuklod-buklod sa magkaiba-ibang bansa.

Sa Genesis 1:3-5 ay ganito ang nakasulat, “SINABI NG DIYOS, MAGKAROON NG LIWANAG, AT NAGKAROON NGA, NASIYAHAN ANG DIYOS NANG ITO’Y MAMASDAN. PINAGBUKOD NIYA ANG LIWANAG AT ANG DILIM. ANG LIWANAG AY TINAWAG NYANG ARAW AT ANG DILIM NAMAN AY TINAWAG NA GABI – IYON ANG UNANG ARAW”. Sa tagong kasaysayan ay ganito naman ang pagkasabi ng Diyos, “EVITE LUXEL BAARUPATAP MUMSAPER DIELUCAM DAUCAM HUMIEYER PEMHUMAC AIDISTORBA BARTASI JELUMEL MENAC CAATOR POOC LAAT BARPITUM EGO RUSARITUS MUNDUM YIBESLIHA HAC MILUREMUS EGRUMINTOR BIMSITOR HANDOOR DEUS”. Nang ito’y masabi ay naghiwalay ang liwanag at ang dilim at nangyari ang pinakaunang araw sa buong kasaysayan.

Ang unang araw sa kanilang paglalang ay nagbigay ligaya sa Infinito Diyos ganoon din sa Kanyang mga kaantabay, maligaya silang nagbabatian at dahil doon ay may sinabi ang Diyos na ganito, “HUMBRE SE LUMBRE BIRHAMOY DIDUCAM BALRISI HUMAHUM MIGTIAL SACSILUOM DEUS SIGHOM”, at ang 24 Ancianos ay sumagot ng ganitong salita, “DEUS EGOSUM MON NUMBRE SILAC CARTOAM DEUS EGOSUM MOSTAHUS HIGRUSILUM CIAMIMCUM EDRUTE ACDUDUMIM MOMINTOR”. Pagkatapos noon ay nagsimula na naman silang maglalang ng pangalawang araw na ubod ng ligaya ang kanilang mga mukha. 

Pangalawang araw ng kanilang paglalang

Sa araw na ito ay ginawa ng Diyos ang kalawakan upang mamagitan sa tubig na nasa itaas at sa may bandang ibaba, kaya ang sabi sa Genesis 1:6-8 ay ganito, “SINABI NG DIYOS: “MAGKAROON NG KALAWAKANG MAGHAHATI SA TUBIG UPANG ITO’Y MAGKAHIWALAY AT NANGYARI ITO. GINAWA NG DIYOS ANG KALAWAKAN NA PUMAGITAN SA TUBIG NA NASA ITAAS AT NASA IBABA. LANGIT ANG TAWAG NYA SA KALAWAKAN. DUMAAN ANG GABI AT SUMAPIT ANG UMAGA. IYON ANG IKA-2 ARAW”.

Sa tagong kasaysayan naman ay ganito ang sinabi ng Diyos nang ginawa ang kalawakan, “BERNATE DEUS MOSHIC HACCOMEUM SUPERNA EGOSUM”. At nang tawagin niya ang kalawakan na LANGIT ay ganito ang salitang binigkas Nya, “BUNAMORATE AB SILOC HISCORTE CAELUM”. At dagdag nito upang maging ganap ang pinaka-unang pangalawang araw sa buong kasaysayan ng paglalang, nagsalita muli ang Panginoon. “NUMBRATE CAELORUMET TERRAM DISIDIDUM MUNDUM LACIMUNA HIGROSEM PACTOBOTEL ECRAESIM EGO DEUS MUNDURARIPUS DEUS”. Nang ito’y masambit sumagot ang 24 Ancianos ng ganitong salita, “REJIGESE BISOLANE BIENTE QUATOR SEÑORES EGOVIS SANCTE LUMIHIDAM PARPARAM SARALAM BUNCAO PIIG SINTURISMO EGOSUM DEUS”. Pagkatapos noon ay naganap ang ikalawang araw ng paglikha.

Pangatlong araw ng kanilang paglalang

Sa araw na ito ay pinagsama-sama ng Diyos ang tubig sa isang dako upang lumitaw ang lupa, tumubo ang sari-saring halaman, mga kahoy na siyang sanhi ng kagandahang hindi pwedeng pantayan. Ang mga bulaklak na kung pagmasdan ay parang nagpapaligsahan sa ganda. Ang punong kahoy na halos nagtataasan upang matatanaw ang kapaligiran nagsisayahang lumanghap ng simoy ng hanging sariwa at ang mga kabundukang punong-puno ng sari-saring halaman ay parang nag-aawitan sa tuwa dahil nadarama ang kaligayahang walang halo kundi puro kagalakan.

Sa Genesis 1:9-13 ay ganito ang nakasulat, “SINABI NG DIYOS, MAGSAMA SA ISANG DAKO ANG TUBIG SA SILONG NG LANGIT UPANG LILITAW ANG LUPA, AT ITO’Y NANGYARI. ANG LUPA AY TINAWAG NIYANG DAIGDIG AT KARAGATAN NAMAN ANG NAGSAMA-SAMANG TUBIG. NASIYAHAN SIYA NANG ITO’Y MAMASDAN. PAGKATAPOS, SINABI NG DIYOS, MAGKAROON SA LUPA NG LAHAT NG URI NG HALAMANG NAMUMUNGA AT NAGBUBUTIL. AT NANGYARI ITO. TUMUBO NGA SA LUPA ANG MGA HALAMAN. NASIYAHAN SIYA SA KANYANG GINAWA NANG ITO’Y MAMASDAN. DUMAAN ANG GABI AT SUMAPIT ANG UMAGA – IYON ANG IKA-3 ARAW.

Nang pinagsama ang Tubig upang lumitaw ang Lupa at ganito ang sinabi ng Diyos sang-ayon sa tagong kaalaman. “DIRACTOR HOBI COMES TUNADOR EMPARITILLOS SIRCABUS HUMRETOS”. Nang ginawa ang mga damo at halaman ay ganito ang sabi ng Diyos. “UCCOLUM HUMBARQUIDE ADOACTE FIGNIMUS ET BARTUARUS”, at nagsalita muli upang tumubo ang mga kahoy at lupa, “LYACHAM LAYALGEM LAYAFARAN LIALFARAH LEBARA LEBAROSIN LAYARAROLUS”, pagkatapos sa mga salitang ito lumitaw at tumubo ang lahat ng uri ng punongkahoy sa balat ng lupa.

Ang pangatlong araw sa kanilang paglalang ay nagbigay dagdag ligaya sa Diyos at sa Kanyang mga gawa, ubod sa ligaya ay nagsalita ang Diyos ng ganito: “DEUS MEUS CASTABOLANE EGOSTILLOS BUADOS MACRISE HIGUTE VILVO HUMAR ESORASIOM TUBBY”. Nang madinig ito ng 24 Ancianos sila’y sumagot ng sabay-sabay sa pamamagitan ng mga salitang ito. “DEUS APTRIS TITRUS EGO SUM MEUM TOCRIBUS TAALIRUS ROROLUS DEUS BAARTIBUS SICUTABUS ESTIMUS HONTIBARUM MUMBORUM EGO SACLO LUMBRE MUSTAEMTILUS.” Pagkatapos sa mga salitang ito ay naganap ang pangatlong araw. 

Pang-apat na Araw ng Paglalang:

Sa araw na ito ay nilikha ng Diyos ang Araw, Buwan, at mga Bituin. Ang Araw ay nakalaan upang magbigay liwanag sa panahon ng araw at ang Buwan ay para magbigay liwanag sa gabi. Ang mga Bituin naman ay upang magbigay kagandahan sa buong kalawakan lalong-lalo na sa panahon ng gabi. Ang mga ito ay siyang tatanglaw sa buong mundo.

Sa Genesis 1:14 hanggang 18 ganito ang sabi: “SINABI NG DIYOS. MAGKA-ROON NG MGA TANGLAW SA LANGIT PARA MABUKOD ANG ARAW SAS GABI. ITO ANG MAGIGING BATAYAN SA BILANG NG MGA ARAW, TAON AT KAPISTAHAN. MULA SA LANGIT, ANG MGA ITO’Y MAGSASABOG NG LIWANAG SA DAIGDIG AT GAYON NGA ANG NANGYARI. NILIKHA NG DIYOS ANG DALAWANG MALAKING TANGLAW: ANG ARAW, UPANG TUMANGLAW SA MAGHAPON, AT ANG BUWAN, UPANG MAGBIGAY LIWANAG KUNG GABI. NILIKHA RIN NIYA ANG MGA BITUIN, INILAGAY NIYA SA LANGIT ANG MGA TANGLAW NA ITO UPANG MAGSABOG NG LIWANAG SA DAIGDIG. TUMANGLAW KUNG ARAW O GABI, AT MAGBUKOD SA LIWANAG AT DILIM. PINAGMASDAN NG DIYOS ANG KANYANG GINAWA AT SIYA’Y NASIYAHAN.” Ganyan ang sabi sa hayag na karunungan. 

Nang Likahain ng Diyos ang Araw

Bagamat sa hayag na kaalaman ay may malaking kakulangan sa tunay na pangyayari, ang tago naman ay ganito ang pagpaliwanag. Nang likhain ng Diyos ang Araw na ito ang salitang Kanyang binigkas: “HICAAC ESPIRITUM MEUM ET CUM SARMUNDI VESET NOS EMPERIM”. Nang ito’y masabi biglan nagkaroon ng bulang apoy na siyang nilikha ang araw ng Infinito Diyos at ito’y inilagay niya sa gitna na kalawakan upang magbigay ng tanglaw sa daigdig. “SARMUNDI ENERITUM MURLUM MACMITOR HIGUR.” Ang araw ay nagkaroon ng dalawang mata na siyang nagbigay buhay sa init nito: “SINASOP MISOP HUMPILAC LARAMEUS EGLOREMOS”. Nagkaroon ng dalawang tainga upang madinig kung ano man ang pag-uutos ng Diyos sa kanya. “BUCERRA LAGASTOSE HINLOT MIMPAL EGOPAL LACMIT SUNIMBUR DEUS TORSILATUS”, nagkaroon ng bibig upang may kakayahang makipag-usap sa mga nilikha ng Diyos gaya ng Buwan, mga Bituin, at higit sas lahat ay makapagbigay siya ng mensahe sa Diyos sa kahit anong bagay ng ginagawa ng tao at iba pang mga nilalang ng Diyos sa mundo, kaya isa ito sa dahilan kung bakit ang tao hindi puwedeng magsinungaling sa Kanya. 

Nang Likhain ng Diyos ang mga Bituin

            Noong nilikha ng Infinito diyos ang mga bituin, ang Kanyang pangalan ay HIMBODOA. Noon mga panahon na hindi masyadong makabago ang teknolohiya ng siyensiya (science); mahigit kumulang 5,000 bituin ang natutuklasan nito. Subalit sa panahon ngayon; ang siyensiya ay nagpahayag na kasing dami ng buhangin sa dagat ang mga bituin na kanilang natutuklasan. Sa Aklat ng Genesis 1:17-18 ay ganito ang pagkakasulat: ” Inilagay Niya sa langit ang mga tanglaw na ito upang magsbog ng liwanag sa daigdig, tumanglaw kung araw o gabi, at magbukod sa liwanag at dilim. Pinagmasdan ng Diyos ang Kanyang ginawa at siya’y nasiyahan.” Ang mga bituin ay hindi lang sa gabi tumatanglaw maging sa araw din; hindi lang ito napapansin dahilan sa lumalaginting na init at liwanag ng araw.

            Binigkas ng Diyos ang salitang ito: “HUMBRE OHOS UNOMBRE BIRGARINULUSUS BIRSUS IMPOTER DISMUHO RAKSIDAMO UTARISCARUM INDEG RISTUSEGO SUM HIM DEUS.” Pagkatapos nitong masambit bigla nalang sumambulat sa kalawakan ang mga bituin subalit ang mga ito’y wala pang liwanag at ang mga ito’y hindi mabilang sa dami. Nagsalita pa muli ang Infinto Diyos ng ganito: : “RIDSID DIISMELEC COMERISTIC HAGRUMAG MURHUM DEUS BINUFICATOR MUNDUM MALIME NAS PACCEE DUSTINURIMAM LAMACOSARDUM MUONDAAMILAC CARTHA,” and “TISPURO NUMETHO LAHUSTE BINACULITUAM HUMAM ACNA-EGNI TUNTURA DEUS.”  At biglang nagluluningning ang mga liwanag nito, nagsimula ditto ang kanilang ganda na sa ningning ng liwanag nito hindi halos mabilang ang dami ng kulay at hanggan ng sa kasalukuyang panahon at mga darating pa ay tiyak na manantili ang pagkamabulaklaking ilaw sa liwanag sa mga ituin sa buong kalangitan.

            Gaya ng Araw at Buwan, ang mga Bituin ay mayroon ding sariling daan upang hindi ang mga ito ay magbanggaan, sa gitna ng galaktika, at ito ang pangalan “ KALINAMAAB”. Ang liwanag nito upang makaabut sa mundo ay binigyan ng kapangyarihan ng Diyos at ito ang salitang bibigkas: “HARUMI BINIRICTUS SANPITUM HUCLIRITOS MUNDAMUS OJOS DEUS PICARUM HAAGRUM CUNAMITOM ENHINANDUM.”

            Ang bituin ay binigyan ng kabuohang kapangyarihan upang maging kaakit-akit sa lahat ng nilalang na mayroong puso, ang kumikislap na liwanag nito ay bumubulong sa damdaming umiibig upang makamtan ang dalisay na hangarin ng pag-ivg na tunay. Maging ang mga nakakaramdam ng kalungkutan ay biglang lumiligaya sa panahon na ang mga bituin ay nagpapaligsahan sa makulay at maluningning na tanglaw nito pati ang mga hayop at ibon sa gubat ay nagsisiawitan habang nagmamasid sa kagandahang walang ibang gumawa kundi ang Panginoong Diyos. Ito ang salitang bumubuo ng kapangyarihan ng mga Bituin: “JENSI MATUBIC RICSALEI LIPTAC HANOTAC DEUS MISISERTUMI HAPER TANGLANAS ESOMIUS HIC RICTACABUS BUENATAOR LICTUSIBUS ESPIRITUS DEUS HACPANET JINTATOR PILISIMIUS EGOSUM MONKAHIMUM”.

Ang Pang limang Araw ng Paglalang

            Sa araw na ito ay ginawa ng Diyos ang lahat ng uri ng mga isda at ganoon din ang nagkaiba-ibang klase ng ibon sa himpapawid, sa Genesisi 1:20 hanggang 22 ay ganito ang sabi” “MAGKAROON SA TUBIG NG MARAMING BAGAY NA MAY BUHAY AT MAGKAROON DIN NG MGA IBON SA HIMPAPAWID. NILIKHA NG DIYOS ANG MGA DAMBUHALA SA DAGAT AT LAHAT NG BAGAY NA NABUBUHAY SA TUBIG AT LAHAT NG URING IBON. MINASDAN NIYA ANG KANYANG GINAWA AT SIYA’Y NASIYAHAN. PINAGPALA NIYA ANG MGA ITO AT SINABI: “MAGPAKARAMI ANG LAHAT NG BAGAY NA NABUBUHAY SA TUBIG PUNUIN ANG KARAGATAN, MAGPAKARAMI RIN ANG MGA IBON AT PUNUIN ANG DAIGDIG”.”

            Nang ginawa ang mga isda ay ito ang salitang sinambit ng Diyos: “TEAC SINUAM ACTE CUM AVEURIM COMAETE GUIMAELES OCTE.” At nagkaroon ng magkakaibang klase ng isda sa karagatan at mga tubigan at ang mga ito,y binigyan Niya ng pakiramdam. Ang mga isda ay nagkaroon ng pakiramdam lalo na sa oras ng panganib, Ganito naman ang sinabi ng Diyos:”TAECATOR BINARATOR BIMSIPAC, HALIMAS TUNIP HIC LAACATUM DEUS LUSTE BANUTE ESPAUSTAMAC LACUMI YUMERASI HIGLE. Sa pamamagitan ng mga salitang ito nalalaman ng mga isda kung may darating na panganib sa pamamagitan ng kanilang himpis.

            Upang magkaroon ng maraming uri ng isda, ito naman ang binigkas ng Panginoon: “DEUS ESPIRITUS TUMACHUM EPTAAC CALSIGAM MUCTIRILUS MUNARE BIGME HUMPIS HAPOLA LACTAUM SINDUM MUNIT HAPLISUS TAMOMIUS.” Binasbasan ang mga isda upang mapupuno ang lahat na may tubig sa lupa; ganito naman ang sinabi ng Panginoon: “LUNAFE GELIGITE ENMIPIT HISTOR CULAPITAEM MICRALGAUM MANOSTEL SIGHITUS HAUM DEUS.” Sa pamamagitan ng mga salitang ito nagsimulang dumami ang mga isda na sadyang punuin ang katubigan sa buong mundo.

            Nang ginawa ng Diyos ang mga ibon ay ganito ang kanyang sinabi: “AVE METUM RECTOR REBERATOR REYUM PICATOR ET SATOR”, ng ito’y masabi Niya ay nagkaroon ng mga ibon na nagsiliparan sa himpapawid at nagsalita pa muli ang Diyos ng gaito: RICATUAM PERPETES HANPASIUSAL DEGLAMA DEUS TURISCOR CURITAB AC MENTELE LACAISE SILICRAP HAHIC NAEM DEUS”. At nangyari na nagkaiba-iba ang mga hugis nito pati na ang kanilang hitsura, maging ang kanilang huni na lumalabas sa kanilang bibig. Sila’y binasbasan upang dumami at mapupuno an gang buong daigdig at ang sabi ng Diyos ay ganito: “LIQUIS LEGUS TITUSIRUS HUNIT-HACAM PARCELISIMUM DEUS MACHAGIT GITANTILES UNATE BIRGAM LASURE TISHAMEL MIAMICURAL COORTIPAM EGOSUM MONTIHAMUR DUES.” 

Ang Pang-anim na Araw ng Paglalang

Sa araw na ito ay nilalang ng Diyos ang Tao at mga Hayop. Dito ginawa ang unang tao na tinatawag niyang Adan at Eva at ang ito ay binigyang kapangyarihan upang mamahala sa lahat ng hayop, isda at ibon ditto sa lupa. Sa Genesis 1-:24 hanggang 30 ay ganito ang nakasulat: “SINABI NG DIYOS: MAGKAROON NG LAHAT NG URI NG HAYOP SA LUPA – MAAMO, MAILAP, MALALAKI AT GAYON NGA ANG NANGYARI NILIKHA NGA NIYA ANG LAHAT NG ITO, SIYA’Y LUBOS NA NASIYAHAN NANG MAMASDAN ANG MGA ITO.
Pagkatapos likhain ang mga ito, sinabi ng dios ngayon: “LALANGIN NATIN ANG TAO, ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN, SIYA ANG MAMAHALA SA MGA ISDA, MGA IBON AT LAHAT NG HAYOP, MAGING MAAMO O MAILAP, MALAKI O MALIIT.”
Nilalang nga ng Diyos ang mga tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala. Wika niya: “MAGPAKARAMI KAYO AT PUNUIN NG INYONG MGA SUPLING ANG BUONG DAIGDIG AT PAMAHA-LAAN ITO. BINIBIGYAN KO KAYO NG KAPANGYARIHAN SA MGA ISDA, SA MGA IBON, AT SA LAHAT NG URI NG BUTIL AT MGA BUNGANG KAHOY NA INYONG MAKAKAIN, ANG LAHAT NG HALAMANG LUNTIAN AY IBIBIGAY KO NAMAN SA MAILAP NA HAYOP, MALAKI MAN O MALIIT AT SA LAHAT NG MGA IBON.” At ito nga ang nangyari.

Ang pang-anim na Araw ay siyang panghuli sa paglalang ng Diyos. Dito nagkaroon ng makulay at buhay ang sandaigdigan gawa ng nagkaroon na ito ng nilalang na siyang mamahala at magtatakbo sa lahat ng may buhay.
Sa tagong karunungan ay ganito ang salaysay na ang Diyos ay lumalang sa lahat ng uri ng mga hayop, ang Diyos ay nagsalita ng ganito: “MURPICTICTUM ET NUNUM EMERENCIANA ET NUNUM MITAM”, nang ito’y masambit kumalat sa mga kabundukan at sa kapatagan ang lahat ng uri ng hayop, ito’y maging maamo o mailap o maliit o malaki, at muling nagsalita ang Diyos upang mabasbasan ang mga ito: “NUMBRIBUS TICUS DEUS HAMPIR NIMRUBATO CULAMPAIM MICTURIMUS INIMITUS MUNDUM SINUGRATOR HIGMACANUM”.
Nang likhain ang unang tao sa mundo ay pinangalanan itong ADAM (Adan). Ang pangalang ADAM ay hinugot mula sa apat na buntala na tanglaw ng mundong sangtinakpan, ang salitang pinagmulan ay ito: A – ASTROS D – DISIS A – ANATUL M – MISEMBRE.
Ang Genesis 2:7 ay ganito ang nakasulat: “NILIKHA NG DIYOS ANG TAO MULA SA ALABOK, HININGAHAN SA ILONG AT NAGKAROON NG BUHAY.”

Subalit sa tagong karunungan ay ganito naman ang kasaysayan. Inihanda ng Diyos ang mga sangkap na ipinagkaloob sa tao na ang mga ito ay SUBTILIDAD, IMPASIBILIDAD, AGILIDAD at CLARIDAD. Ang mga apat na ito ay hinugot mula sa apat na elemento sa mundo na walang ia kundi ang APOY, HANGIN at LUPA at TUBIG. Pagkatapos ay nagsalita ang Diyos ng ganito: “SUBTILIDAD PAMULI OQUIP PENSEMULI OSIM PERLIM ODIM PEMPAUM, IMPASIBILIDAD PINCUAM CUGEP PELINCUAM HIFERE PAUPERUM ICUIS, AGILIDAD PINTUIM PICERE PINTUM ARIEP PINCUIM ACUTIM, CLARIDAD PINDIMALLIM PERCUIM LIATUM PAMULI LICARIUM.”

Nang matapos magsalita ang Infinito Diyos ay kumuha ng isang dakot na alikabok at nagsalita muli: “TE EJETUR CLEMENTISSIME PATER PER DEUS ESPIRITUM TUUM DOMINUM NOSTRUM SUPLICES ROGAMUS AC PETIMU UTI ACCEPTA HABEAS ET BENEDICAS DOMINE INTOTO CORDE MEO QUEMADMODUM DAMAHI LUMECH GADAL PANCIA VEFOAS MEOROD LAMIDOCH BALDACHANERETHON MITATRON, HAEC DONA HAEC MUNERA HAEC SANCTA SARAFICIA ILLIBATA ALASASES LATORES ARAM ARADAM ADRADAM FRUOISIERE ABE ABEUC ABEIC ABEICA CARMAR AC OC DEUS.” Ang alikabok ay maging tao, subalit ito’y wala pang buhay kaya nagsalita muli ang Diyos at ito’y hiningahan sa ilog sa ganitong pangungusap: “JUAAHUHAI JOHAOC ABHA HICAAC AERISIT HOCTACSIT ALIMIRACTIM HOCMITAC AMINATAC HIPTAC”, at upang pasukan ang katawan nito ng apat na elemento, ito ang sinabi ng Diyos: “PAMPANABAL PRUITIATEM GETECAN TES PUICCIMPRIAEM CRUISISIUM.”

Ang katawang material ay dapat magkaroon ng espirito kaya nagsalita ang Diyos ng ganito upang pasukan ng espirito ang katawan ni Adan: “ACUTIN PERICTATOS REXSISIUM CINCIMATIM PIMPUMABAL PICIONABAL PAMPANABAL, at upang gumalaw ang katawan ni Adan: “ALLITUIM HISIUMIEM ALLITAM RACIONISUM PICERE SARAPACIONEM PIMPUMABAL, at para makapagsalita si Adan, anito ang sabi ng diyos: “PELINCUAM PRILICAM PURITIRITIS PAMPANABAL, at upang maging normal na tao si Adan, at huwag Makita ang kanyang espiritu, “PURFIFINICURI PANPANABAL EUNIC CIUME ESISIRA PAMPANABAL SUBIRISATI NIMTAR CRUITIATOR GUM.”

Nang matapos mabasbasan si Adan, ito’y naging tunay na tao, subalit may nakita ang Diyos na dapat magkaroon si Adan ng kasama, kaya sa Aklat ng Genesis 1:18, 21, 22, 23, 24, 25 ganito ang sabi: “MATAPOS GAWIN ANG LAHAT NG ITO, SINABI NI YAHWEH, HINDI MAINAM NA MAG-ISA ANG TAO, BIBIGYAN KO SIYA NG MAKAKASAMA AT MAKATULONG KAYA’T PINATAWAG NI YAHWEH ANG TAO. SAMANTALANG NAHIHIMBING, KINUHA NIYA ANG ISANG TADYANG NITO AT PINAGHILOM ANG LAMAN SA TAPAT NIYON. ANG PINAGHILOM ANG LAMAN SA TAPAT NIYON. ANG TADYANG NA IYO’Y GINAWA NIYANG ISANG BABAE, AT INILIPAT SA LALAKI. SINABI SA LALAKI, “SA WAKAS, NARITO ANG ISANG TULAD KO, LAMAN NG AKING LAMAN, BUTO NG AKING BUTO, BABAE ANG SIYANG ITATAWAG SA KANYA SAPAGKAT SA LALAKI NAGMULA SIYA. ITO ANG DAHILAN KAYA INIWAN NG LALAKI ANG KANYANG AMA AT INA UPANG SUMAMA SA KANYANG ASAWA, SAPAGKAT SILA’Y NAGIGING IISA. KAPWA SILA HUBAD, GAYUN MA’Y HINDI SILA NAHIHIYA.”

Sa tagong kasaysayan ay ganito naman ang kwento. Noong si Adan ay naging tao na, nakikita niya ang ibang nilalang na gawa ng Diyos ay mayroong mga kaparis, sinabi niya sa sarili na mabuti pa ang mga hayop ay mayroon silang kapareha. Naramdaman ni Adan ang lubos na pangungulila kaya nagsalita siya ng ganito: “DEUS EGOM MUNTAR EGO SUSTI MITIMI PAC LUBAR DATUM MEUM” at nadinig ito ng Diyos at sumagot ng ganito: “REPITUMI MAUCAT DAETIVES MENHAT MAUCNAT,” at natapos itong masabi nakatulog si Adan at habang mahimbing itong tulog na magsalita uli ang Diyos ng ganito: “MEMUS MAUS MITOS DIMUS RATULIA DOMINUS DEUS” nang ito’y masambit hinugot ng Diyos ang isang tadyang sa bandang kaliwa ni Adan at nagsalita ng ganito: “MAUSTIVUS DICRIS TAUS” at hinilom ang laman na pinagkunan ng tadyang.

Itinabi ang tadyang sa natutulog na Adan at nagsalita muli ang Diyos ng ganito: “PUROKUS MURAMUS DITESUM HUM MEAM DAUTINAL LACRIBUS HUSIBIBUS EGOSUM at naging babae ang tadyang, hiningahan ng Diyos sa ilong ng ganitong pangungusap: “JUAAHUHAI RONAOC DUMAC ABHATAC ANATAC SIBULERUS DEUS MEAS HAAC TAAC NAAC” at nagkaroon ng hininga ang babae at upang maging tunay na tao ang babae ay ganito ang sabi ng Diyos: “LUMARAC MUAM MICTIM JUNAUS TAAMIMIT RICSAULAR SILUSTUMI JUMARI.”
At biglang nagising si Adan at maligaya siya nang makita niyang mayroon na siyang kasama. Tinawag niya Eva ang babae, ang pangalang EVA ay hango sa tatlong ilog na pinakamalaki sa mundo, E – EUFRATES, V – VILHA, A – AEDOM. Kaya, nang ginawa ng Diyos, ganito ang sinabi Niya: “ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN” at dahil hindi Siya nag-iisa, kasama Niya ang 24 Ancianos. Ganyan ang sabi ng tagong kasaysayan.
Gayon nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon sa loob ng anim na araw at Siya’y nagpahinga sa pang pitong araw.

Sa mga nakaraang mga labas ay naikwento kong paano ang paglalang ng Diyos ng Mundo, at sa lahat na may buhay pati na sa mga kahoy at mga halaman, maliban dyan ganoon din ang paglikha ng araw, buwan, mga bituin at iba pa sa pamamagitan ng tago (Isoteric) at hayag (Ecclesiastical) na karunungan ng Diyos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s