INFINITO DIYOS – Diyos ng Makapangyarihan sa Lahat

Tagong Karunungan: :INFINITO DIYOS
Isinulat ni Dodong Baguiz
Chapter 2: Series 1

Ang Tago at Hayag na Karunungan ay kasalukuyang ginagamit na ng mga tao subalit hindi ito naintindihan ng maigi. Ngayon, ating tutunghayan at sasaliksihin ang simulain ng dalawang karunungan na ito. Paano at saan ba nagsimula ang Hayag at Tago? Kung bubusisiin natin ang mga ito, ating matutunghayan na magkakaiba ang bawat pinagmulan nito. Ang Hayag ay nagsimula ng likhain ng Diyos ang tao sa mundo habang ang Tago ay nagsimula na wala pa ang lahat ng bagay. Ang ibig sabihin, ay wala kahit isa man lang sa mga nilikha ng Diyos.

Sa Aklat ng Genesis sa Biblia, ganito ang panimula, Gen. 1:1-3 “NANG SIMULA LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA AT LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO, DILIM ANG BUMABALOT SA KALILIMAN AT UMIIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG”, SINABI NG DIYOS: “MAGKAROON NG LIWANAG AT NAGKAROON NGA.” Sa puntong ito mayroong bagay na hindi maipaliwanag, bakit? Kasi maliwanag na sinabi na sa pasimulang likhain pa lamang ng Diyos ang lupa at langit ay mayroon ng lupa subalit ito’y wala pang hugis at ang hangin ay umiihip na sa ibabaw ng tubig. Sa madaling salita, sa hayag na karunungan o Biblia hindi maipaliwanag ng lubusan ang mga elemento o sangkap na naroroon na bago pa lamang likhain ng Diyos ang mundo ayon sa pagkakasilat sa Biblia. Paano nilikha ang lupa, hangin at tubig? Ang mga ito ay hindi na binanggit sa Biblia.

Subalit sa Tagong karunungan ay ganito ang sinabi: “Bago likhain ng Diyos ang bagay partikular na sa ating daigdig, ay inihanda muna Niya ang Apat na Elemento na siyang magiging sangkap sa sanlibutan. Ito ay ang HANGIN, TUBIG, LUPA at APOY. May sinabi ang Diyos na ganito: “ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TEASET BUITARAP ACME MIMJARUL LEGARA HAMUSA VINESA MATUMI EROP BUNSIRAP.” Nang ito’y masabi lumitaw ang lupa, lumalagablab ang init ng Apoy, umihip ang simoy ng Hangin at umoudyap-udyap ang paggalaw na parang maliliit na alon ng tubig.

At muling nagsalita ang Diyos. “CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM,” ibig sabihin ay sisimulan ko nang gawin ang langit at ang sanlibutan at nagsalita pa muli ang Diyos ng ganito: “MANAOT LUMBRATE ACTIVE DENS MEAVITA DEUS SANCTE MEUS”, nang matapos itong sabihin nagkabuklod-buklod ang lupa, tubig, apoy at hangin. Muling nagsalita ang Diyos ang ganito: “MALQUE ATIM MIRBEATIM MACMITIM, at ang tubig ay nagkabuklod-buklod sa magkaibang-ibang lasa.

Sang-ayon sa Biblia, sa aklat ng mga Awit 90:2 ganito ang sabi: “WALA PA ANG MGA BUNDOK, HINDI MO PA NILALANG, HINDI MO PA NILILIKHA ITONG BUONG DAIGDIGAN, IKAW NOON AY DIYOS NA, PAGKAT IKAW AY WALANG HANGGANG,” sa madaling sabi, ang Diyos ay walang simula at walang katapusan, kaya siya ay tinawag sa mga kultong grupo na INFINITO DEUS.

Kung ganyan ang kalagayan ng Diyos, mayroong tanong na ganito: Noong wala pa ang mundo saan nakatira at ano ang kalagayan ng Diyos? Kung ang Biblia ay ating tatanungin, walang malinaw na sagot na mababasa dito. Subalit sa Tago na karunungan ay mayroon, at ito ay nakasulat sa Aklat ng Kalikasan. Noong wala pa ang mundo ang Diyos ay naririyan na, at Siya ay nakatira sa kanyang kaharian na siya rin ang kanyang kapangyarihan na kung tawagin sa Tagong Karunungan ay “CIELO DE CHRISTILLENO” na ang ibig sabihin ay “langit sa mga langit.”

Bagamat wala pa ang lahat maliban sa Diyos na nag-iisa, ang sinasabing langit sa mga langit ay kagaya ng kalawakan na hindi malalaman ang pinagmulan at ang hangganan nito. Ang sinasabing kalawakan ay isang puwang na lugar na walang nilalaman, subalit ito’y napupuno at nababalot ng isang liwanag na walang simula at wala ding hangganan, sang-ayon sa Aklat ng Kalikasan ay ganito: AAZZAAXXXAACZA ZAAX ZAAZ ZAXAZ JIY OAFI JAAIYEI”, ang ibig sabihin ay ang karunungan ng Diyos ay hindi kayang abutin ng ninumang nilalang sa lupa kahit sa isip lamang.

Sa mga naunang talata ay tinutukoy ang kalagayan at tirahan ng Diyos noong wala pa ang mundo, ang lahat na mga bagay at kasaysayang nailathala sa pamamagitan ng kuwentong nababalot ng mga misteryong hindi naitala sa Biblia. Bagamat ibinulgar dito ang mga pinakatagong kasaysayan sa kadahilanan na rin sa katuparang  nakasaad sa Hayag na Karunungan nakasulat sa Biblia na sang-ayon pa ay ganito ang sinabi ng ating Panginoon Jesucristo sa Lucas 12:2 at 3; “WALANG NATAGO NA DI MALANTAD, AT WALANG NALILIHIM NA DI MABUBUNYAG ANUMANG SABIHIN NINYO SA DILIM AY MARIRINIG SA LIWANAG AT ANUMANG IBULONG NINYO SA MGA SILID AY IPAGSIGAWAN” kaya ito na ang akmang panahon upang ang mga bagay na sadyang itinatago sa sobrang tagal at pinagsikapang mapanatili ang mga ito sa hindi mabilang na haba ng panahon. Sa panahon na ito ay ibubunyag nang makamtan ang matiwasay na pananampalataya sa tunay na Panginoon mula din naman sa mga tunay tauhan Nito.

Ang liwanag na walang simula at walang hanggan na siyang kalagayan ng Diyos at Siya na rin ang Diyos. Sang-ayon pa sa Tagong Karunungan, ang Diyos ay mayroong isang libo at isa (1,001) na mga pangalang nailantad na sa tao. Ang pinakauna Niyang pangalan “AINSOPH” ito ay nangangahulugang; “BUGTONG NA LIWANAG NA NAROON SA KATAAS-TAASANG BAHAGI NG WALANG KATAPUSAN AT WALANG HANGGAN.” Kaya sabi ng Tagong Karunungan ay mapalad ang sinumang nakaalam sa pangalang yaon dahil hindi siya maghirap sa kabilang buhay.

Nag-iisa palang ang Diyos noong panahon iyon, at dahil sa pag-iisa nakadama ang Diyos ng masidhing pangungulila, kahungkagan at sobrang kalungkutan, kaya Siya’y napabuntong hininga ng malalim kasabay ang salitang “JUAAHAHUJAI,” ito rin ang winika ng Diyos ng bigyan Niya ng hininga si Adan. Doon nagsimula ang kanyang pag-iisip na gumawa ng mga bagay tulad ng araw, buwan, mga bituin, mundo, mga tao at iba pa upang ang mga ito ay kanyang paglilibangan. Subalit bago pa man ang lahat, ang Diyos ay gumagawa ng 72 na mga banal na espirito na sa tagong karunungan ay tinatawag na 72 dibisyon ng mga espirito. Nilikha ito upang ang mga ito ay magiging kaantabay sa mga paggawa sa mga bagay ng naiisip Niyang gagawin.

Sa pagsimula ng Diyos sa kanyang mga gawain, ang tinutukoy na liwanag na walang simula at walang hanggan ay kanyang pinaliit, dahan-dahan itong lumiit hanggang ito’y naging bilog, na sang-ayon pa, parang sumbalilo/sumbrero ito kung tingnan mo sa malayo. At sa ilang sandali lamang, may pumunit na dalawang hugis at sa unti-unti itong nagiging mga mata na nagliliyab sa isang pambihirang magkakaibang uri ng liwanag. Sumulpot at nagkaroon ng dalawang butas sa bandang baba na siyang naging ilong nito. Tumubo ang dalawang bahagi sa magkabilang tagiliran at nagkaroon din ng mga butas ang mga ito upang maging tainga nito. Gumuhit sa bandang ibaba kaunti sa ilong at ito’y naging bibig, at sa ganoong pagkakataon, ang bilog ng gaya ng bolang liwanag ay dahan-dahang dumaloy tulad ng tulo ng kandila na tumulo paibaba at siyang dahilan upang magkaroon ng leeg, katawan, dalawang kamay at dalawang paa. Dito ang bolang liwanag ay naging porma at hitsura na ng tao. Sa pagkakataong ito, ang liwanag ay naging anyo ng tao na kung iyong tingnan at Siya’y pinangalanang ANIMA SULA na sa ating salita ay “Nag-iisang espirito o nag-iisang kaluluwa”, at ito ang pangalawang pangalan ng Diyos na nalantad sa tao. Sang-ayon sa Tagong Karunungan, dito nagsimula ang pagiging tao na hitsura ng Diyos.

Sa ilang sandali pa’y matapos ang mga ganoong mga pangyayari, ang Diyos ay nag-iisip sa mga bagay na dapat Niya gawin upang maisagawa Niya ang kanyang mga plano na gagawin. May biglang umusbong sa kanyang noo ang limang talulut ng bulaklak na sa bawat dulo nito ay mayroong titik na sang-ayon pa sa kasaysayang tago ay ganito: M.A.R.I.A. ang limang letrang ito ay mayroong matayog na kahulugan sa mga espirito.

Ang salitang M.A.R.I.A. ay nagkaroon ng makasaysayan na kahulugan. Ito ay bumubuo ng hiwagang kapangyarihang na hindi pa natutuklasan ang kahulugan ninuman sa mundo. Nangyayari ito dahil sa mga materyal na bagay na siyang bumabara at pumipigil sa isipan ng bawat nilalang. Dito matutuklasan ang lawak sa salitang iyon at sa pamamagitan ng kanyang buod na kapangyarihan ay maaangkin ang isang pambihirang tuklas na dapat tuntunin at ikabahala ng buong sangkatauhan.  Ang daigdig na nababalot ng mga kababalaghang hindi maipaliwanag ng lubusan  sapul pa ng nagsimula ng nagkatao ang sansinukob.

Ang limang titik na ito ay siyang bumubuo ng kapangyarihan ng Diyos, na sang-ayon pa noong wala pa ang mundo; hindi ito binanggit o tinawag ng Diyos sa pangalang MARIA subalit ito’y tinatawag Niya lamang na GUMAMELA CELIS o bulaklak. Ang GUMAMELA CELIS ay tinatagurian ng Diyos na, “ROSA MUNDI ET ROSA CEILO” na ang ibig sabihin ay, “bulaklak ng mundo at sa langit”. Ang MARIA ay MERIAM sa salitang Syria na sa ating lenguahe ay “PINAKAMATAAS”. Sa mga kultong grupo, ang MARIA ay sinasamba nila, pinaniwalaang makapangyarihang salita, dahil alam nila na ang salitang ito ay naitala sa pinakamataas na antas ng Karunungan ng Diyos. Ang bansag ng salitang M A R I A ay ganito: “M-MARIS, A-AMANTISIMO, R-REXSUM, I-IMPERATOR at A-ALTISIMA.”

Ang wikang MARIA ay salitang pinakamatamis sa daigdig ng mga espiritu. Ito’y sinasamba at kinagigiliwan ng mga ito, dahil alam nila na ito ay ang kabuoan ng kapangyarihan ng Infinito Diyos at kailanman ay walang kapantay. Kaya ang sabi ng Diyos patungkol sa salitang ito ay ganito: “MAGNIFICAT ANIMA MEA DOMINUM AD DOMINUM CONTRABULARER RETRIBUE CERVOTOU TOU VIVEFECAME IN DEO SPERAVIT COR MEUM AT EDJUTSUS SUNTADTE DOMINE LAVAME ANIMA MEAM.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s